Salamat Panginoon

371 0

1:
Ikaw ang Diyos na nagligtas
At nagbigay buhay
Nagpatawad ng kasalanan at
Nag abot ng Iyong kamay
Ngayon walang humpay na sinasambit
Ang Pangalan Mo’y inaawit
At patuloy na sumasamba Sayo

Chorus 1:
Salamat, salamat
O Panginoon ko
Sa lahat lahat ng biyayang
Ipinagkaloob mo
Tunay kang mabuti, kapuri puri
Sa aming Hari, mamalagi
Salamat, Panginoon, salamat

2:
Ikaw ang Diyos na nagbigay
Ng lahat ng inaasam
Walang hanggang ligaya ay
Sayo lamang makakamtan
Ngayon patuloy ang papuri [walang tigil na pinupuri]
Sa Ama naming sumasalangit
Walang iba pang hihigit Sayo

Chorus 2:
Salamat, salamat
O Panginoon ko
Sa lahat lahat ng biyayang
Ipinagkaloob mo
Tunay kang dakila, kahanga hanga
Sa aming Hari, buong papuri
Salamat
Panginoon, salamat

“Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw, ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin. Ang iyong pag-ibig walang katapusan, sintatag ng langit ang iyong katapatan.”

Mga Awit‬ ‭89:1-2‬ ‭RTPV05‬‬

This original Tagalog song was inspired by the immense feeling of thankfulness I have for the Lord, for all that He has done.  I have been tremendously blessed by God, and I want to give it back to Him in song.

“Nagpupuri silang nilikha sa langit, ang iyong ginawa’y siyang binabanggit ang katapatan mo, Yahweh, ay inaawit. O Yahweh, Makapangyarihan sa lahat, sino’ng kaparis mo doon sa itaas? Mga nilalang doon sa kalangitan, kay Yahweh ba sila ay maipapantay? Sa pagtitipon man ng lahat ng hinirang, may banal na takot sa iyo at paggalang. O Yahweh na Makapangyarihang Diyos, O Yahweh, mayroon pa kayang katulad kang lubos? Sa kapangyarihan ay tunay na puspos, kadakilaan mo’y sadyang lubus-lubos.”

Mga Awit‬ ‭89:5-8‬ ‭RTPV05‬‬

Leave a Reply