Tanging Diyos Lamang (Only God)

318 0

Tanging Diyos lamang

Mula sa umpisa ng ating pagtitipon
Ito ang ating walang sawang mungkahi

Namutawi sa ating mga labi
Pinahayag sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta, pagsamba
Isinigaw ng buong puso’t isipan

Tanging Diyos lamang

Sapagkat ito ang katotohanan
Siya ang katotohanan

Sa mundong ito na puno ng hinagpis
Sakit, lungkot, luha, at pagtitiis

Sa bisig ng Amang sumagip at nagligtas
Mayroon tayong isang kanlungan
Matatag na sandigan

Tanging Diyos Lamang

Sa mundong ito na walang kasiguruhan
Puno ng katanungang walang kasagutan
Siya ang punong katotohanan

Hindi matitinag
Hindi mapagkakaila

Anong maihahambing sa kapangyarihan at lakas ng ating Hari?
Sino ang makabibilang ng mga biyayang ipinagkaloob Niya sa atin?

Siya ang gumawa ng mundo
Sa kanya ang araw at ulan
Unos at bagyo
Sa kanya ang langit at lupa
At lahat ng nasasaklaw nito

Siya lamang ang walang hanggan
Siya lamang ang makapangyarihan
Siya lamang ang mataas at nahihigit sa lahat!
Karapat dapat!
Walang katapat!

Siya ang Panginoong Diyos
Ang pangalan Niya ay Hesukristo
At Siya ang isinisigaw ng ating puso

Tanging Diyos Lamang!

Leave a Reply